Bugtong

Akala nila’y magkahawak-kamay sila.
Ang nasa isip ng batang lalaki:
Dadalhin ko siya sa malayo.
Ang nasa isip ng batang babae:
Sa malayo ko siya dadalhin.
Nang matuklasang naliligaw,
saka sila nagbitaw ng paninisi
sa bawat isa. Noon nagsimula
ang paglayo nila sa isa’t isa.
Doon, noong malapit na
malapit na nilang matagpuan
ang daan pabalik.

(This poem is included in my poetry book Pag-aabang sa Kundiman: Isang Tulambuhay, first published by ADMU ORP in 2006. In 2016, Librong LIRA released a new edition of the book. Go to BOOKS to see all my books. If you want to include this poem in your textbook or anthology, kindly contact me to ask for permission.)

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s